Friday, May 8

pwede bang...

magkulong na lamang ako sa loob ng banyo at umiyak
at pagkatapos noon ay pasiyahin ko ang aking sarili
sa pamamagitan ng pag-isip na pwede akong lumipad
hanggang sa maging kapantay ko ang mga ulap
at doon ako hihiga sa kanila
ngingiti
dahil alam ko
wala nang ibang tao doon
ako lang
wala akong ibang iisipin
hindi ko kailangang pagmuni-munihan kung ang gagawin ko ba ay tama o mali
kung makakapagpasaya ba ito sa ibang tao o hindi

hay...

minsan naiisip ko
masarap maging isang adik na lango sa droga
dahil nga pakiramdam mo lumilipad ka lagi
at wala kang problema

gusto kong maging adik at lumipad
parang isang ibon

meron kayang adik na ibon

:(

No comments: