Monday, September 5

[EDITED] bribing has become a way of life in pinas...so sad :(

bumili ako ng tv kasi para ma-entertain ang nanay ko sa pinas.  pero pagdala palang ng tv sa pinas ay hassle na.

ipapauwi ko dapat kay patrick para magamit na sana, kahit na magbayad nalang ng excess baggage.  pero nung tumawag kami sa jetstar, di daw sila responsible sa possible na damages, if ever ma-damage nga.  so wag na lang.  saka naisip ko mata-tax-an lang yun pagdating ni patrick kasi buwaya ang mga tao sa customs sa pinas.  and ganun nga pala ang mangyayare.  nag-research ako at sabi sa mga forum, yung mga less than six months nag-stay sa ibang bansa at bumili ng electronics/gadgets ay mata-tax-an.  so wag na lang.

lbc nalang.  kahit mahal.  o kaya ako nalang pag-uwi ko sa october.  excess baggage nalang.

pero praning kasi ako so research pa uli.  nakaka-bother yung mga nabasa ko sa pinoysg forum.  bakit maraming nagbabayad at naglalagay?  bakit nire-recommend ng maraming tao na mag-ipit ng $50 o P1000 sa passport para wala na daw tanong-tanong?  at kung sabihin nila ay parang...wala lang...  normal na gawain lang. at ine-encourage pa talaga yung mga nagtatanong na ganun nalang ang gawin.

potah.  nakakainis magbasa.  nare-realize ko lalo kung bakit maraming may ayaw sa pinas.  kaya ka nga nagtrabaho sa ibang bansa para gumaan ang buhay mo e, kasi ayaw mo ng patakbo ng gobyerno sa pinas, dahil puro tax nang wala namang nangyayare.  tapos pag umuwi or nagbakasyon ka e maglalagay ka lang din?  ano yun?  nakakasura.  para daw wala nang hassle at tanong at kung ano man.  oo malaki ang tax, pero may ibang options pa naman.  para san ang couriers at delivery services?  malaki ang fee, pero wala nang hassle.  may risk nga, pero kaya nga dun ka sa mga alam mong may reliable na service e.  hindi yung parang nagbabayad ka lang ng pamasahe sa jeep na ibibigay mo ng patago yung lagay mo sa mga buwayang customs officer na yun.  marami namang paraan siguro para hindi maglagay. 

putek.  nakarating at nakapagtrabaho ka sa ibang bansa kasi kahit pano may pinag-aralan ka.  pero kung ganun lang ang gagawin, nagpaka-tanga ka din at kinonsinte yung maling gawain nung mga buwayang yun.  putek.  nakakainis talaga.  kaya hindi sila tumitigil mang-buwaya at manlamang ng ibang tao kasi pumapayag tayo. hay nako.  nakakainis talaga.

i just can't get over this issue.  alam ko luma na pero lintek, bat di nawawala?

No comments: